Ngayon ang araw ng Kalayaan.. isang importanteng araw para sating mag Pilipino..
ngunit subalit datapwat parang hindi na ito binibigyang halaga o importansya ng ibang mga Pilipino.. Lalo na yung mag Taong Nakarating na sa ibang Bansa At tinalikuran ang kanilang mga responsibilidad bilang isang Pinoy.. Ngunit hindi ko po nilalahat..apir..
Hindi ko rin sinasabi na kelangan nating mag handa o mag prepara ng isang masigabo o bonggang bonggang Salu-salo.. (hehe)
Sa ngayon, nalulugmok na ang Bansa natin sa dami ng problema at kahihiyang tinatamo nating mga Pilipino dahil sa walang kwenta at kapabayaan ng Gobyerno.. WTF Dba??
kung iisipin natin, napakayaman ng ating bansa sa mga natural na yaman, ngunit hindi nabibigyan ng importansya at napapabayaan lamang.. hindi natin napapakinabangan ng lubos ang dapat sana ay sa atin. Mas inuuna pa ng Walang kwentang Pamahalaan ang pagpapayaman at pagkamal ng salapi ng ating bansa..na kung saan ay nararapat lamang na ito ay para sa kanilang nasasakupan at hindi para sa kanilang mga kamag-anak lamang..
Napakaring Trapo sa Gobyerno.. Hindi ba tayo nagsasawa sa kanila..
Uso rin ang Political Dynasty saten..Nagsasawa ang iba sa atin sa pamamalakad ng mga kasalukuyang nakaluklok, pero pagdating ng eleksyon, sila rin nman binoboto.. Pano magkakaroon ng reporma kung sila pa rin ang ihahalal?? dba? nanalo sila dahil sa pandaraya at panunuhol sa mga kapwa naten..at ang mga ungas at mangmang nating mga kababayan, nagpapadala sa suhol, ngunit hindi ko sila masisisi, sa hirap ng buhay, nasisilaw sila sa pera upang may ipangtustos lamang sila sa kanilang mga anak na kumakalam ang sikmura..
Napakalungkot isipin na ganito ang nagiging epekto sa ating mga Pinoy ng pagiging makasarili ng mga nasa Gobyerno..
Ang mga OFW nating mga kababayan, nahihirapan sa kanilang sitwasyon, sabihin man nating maganda sa ibang bansa, ngunit,napakarami nilang kalaban,unang una ang kalungkutan,. nakakalungkot na kelangan pa nilang lumuwas ng bansa para lamang may ipangkain sa Pamilya at ipangtustos sa pag papaaral ng kanilang mga anak at kapatid..Pangalawa ang Diskriminasyon..dba?
Maraming opurtunidad dito sa bansa natin, ngunit dahil nga sa sobrang liit ng sweldo, ni hindi nito kayang bumuhay ng pamilya,.Kaya ang iba sa atin napipilitang makapunta sa ibang bansa.. Yung iba sa atin, hindi maka hanap ng permanenteng trabaho, dahil nga isa sa problema ng bansa natin ang Edukasyon.. kung hindi ka Nagtapos sa Ateneo o La salle..anong bagsak mo? Janitor? Serbidora? Hindi ko minamaliit ang ganung tipo ng trabaho, isang marangal na trabaho yun hindi ba mga kapatid?
pero ang masaklap dun, kung sino pa kapwa mo pinoy, sila pa ang nangaalipusta at nangaapi sa mga kapwa natin, dahil nga ang iba sa atin ay nakaka angat at pakiramdam nila ay Diyos na sila kaya kinakayan kayanan nila yung iba nating kababayan na elementarya lang ang natapos..
Haaaysss
APir tayo mga kababyan, katoto, katropa.. hehe
ang dami ko ng nasabi,, trip ko lang..hehee
for feedbacks.. ay mali dapat pala tagalog.. hehe..
Para sa inyong mga komento o kung ano man ang nais ninyong sabihin sa akin dahil sa kalapastanganan kong ito..
mag mensahe lamang kayo sa akin..
APIR 
Tags: Bhebz